Eduardo Azores

 

2019 Citi Microentrepreneurship Awards (CMA)

Si Eduardo Azores, may-ari ng Ali-Ali Pastil restaurant at kliyente ng Rizal MicroBank – Koronadal branch, ang hinirang na 2019 national winner ng Citi Microentrepreneurship Awards (CMA) na ginanap sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) central office.

Ang Ali-Ali Pastil ay nag-aalok ng abot-kayang pagkain sa mga Muslim na Pilipino, ang pastil. Ito ay binubuo ng kanin at ulam tulad ng shredded beef, chicken o isda na nakabalot sa dahon ng saging.

Maraming hamon ang kanyang kinaharap noong siya ay nagsisimula pa lamang sa kanyang negosyo. Ngunit dahil sa kanyang sipag at tiyaga, hindi ito naging hadlang sa kanyang pag-asenso. Sa kasalukuyan, umaabot sa P13.4 milyon ang annual sales ng Ali-Ali Pastil.

Gamit ang PITAKA ME loan ng RMB, napa-ayos ni Eduardo ang kanyang restaurant at nakabili ng karagdagang kagamitan sa kusina.