MMLS MARKETING

 MMLS Marketing owners Marisol Oani and Shaliska Neska Libang

Mula pa noong high school, pangarap na ng magkakaibigang sina Mirasol, Mark, Louie, at Shaliska ang magkaroon ng sariling negosyo. Natupad ang pangarap na ito nang nakita nilang pare-pareho sila ng industriyang pinagtratrabahuhan.

Itinayo nila ang MMLS (Mirasol, Mark, Louie, at Shaliska) Marketing noong October 2010. Sila ay supplier ng mga industrial products at ng personal protective equipment (PPE).

Nang tumaas ang demand sa kanilang produkto, kinailangan nilang kumuha ng mas malaking lugar para sa kanilang imbentaryo. Kumuha sila ng loan sa Rizal MicroBank (RMB) at dahil rito, mayroon na silang sariling building. Bonus pa na may garahe, opisina at stockroom ang lugar na ito.

Dahil sa di matatawarang serbisyo, mas dumami ang kanilang mga customers. Mula 10-15 customers noong sila’y nagsisimula, mahigit 100 ang kanilang kliyente ngayon. Umaabot na rin sa mahigit 10 orders mula sa iba’t-ibang kumpanya at clinics ang kanilang natatanggap kada araw. Dahil importante ang mga orders na ito sa pagprotekta sa sarili laban sa virus, pilit nilang sinusupplayan ito kaagad kahit na nagkukulang na ang kanilang mga supplies dahil sa mataas na demand.

Isa ang MMLS Marketing sa mga negosyong nakatulong sa bansa ngayong panahon ng pandemya. Ikinatutuwa namin na naging bahagi ang RMB sa kanilang paglago at tagumpay.