ZSANELLE ADRIAN MOVIO
“Maglaan at i-budget ng tama ang iyong pera para sa iyong kinabukasan.”
Ito ang turo ni Lailani Novio sa kanyang anak na si Zsanelle.
Kahit 10 taong gulang pa lamang, natuto na si Zsanelle na mag-ipon dahil sa turo at tulong ng kanyang mga magulang. Sila ang nagsisilbing role model para kay Zsanelle kung saan palagi niyang nakikita ang dalawa na naghuhulog ng extrang pera sa kanyang Munting Pangarap Savings account. Dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa kanyang magulang, iniipon ni Zsanelle ang pera na natitira sa kanyang baon at ibinibigay niya ito sa kanyang mommy.
Nagbukas si Lailani ng Munting Pangarap Savings account noong July 2019 nang makita niyang mura lang ang initial deposit at kakaunti lang ang requirements ang hinihingi. Dito nagsimula ang pag-iipon para sa pag-aaral ng kaniyang anak. Tuloy-tuloy siyang naghuhulog sa account at hindi niya namalayan na malaki na pala ang kaniyang naipon para sa anak.
Hinihikayat ni Lailani ang ibang mga magulang na mag-ipon rin para sa kinabukasan ng kanilang mga anak pero pinaalala rin niya na “”magagawa (lamang) ito kung alam (natin) ang importansya at halaga ng perang hinahawakan.”
Maraming Salamat Lailani sa tiwalang ipinagkaloob mo sa Rizal MicroBank para sa savings ng iyong anak.
Nais mo rin bang mag-ipon para sa kinabukasan ng inyong pamilya? Magmessage na sa amin para matulungan namin kayong magbukas ng Basic Deposit Account.
Simulan mo na ang pag-iipon para sa inyong pangarap.